Huwebes ng umaga.. Plano ko na talagang gumawa ng reviewer sa computer para sa finals. Kailangan na kasi yun ibigay sa friday para makapagaral sa exams sa lunes. Ang ganda na talaga ng mood ko. Nafefeel ko na may mangyayaring maganda sa akin nung araw na iyon. Gusto ko pa nga mag-aral para sa midterms sa Sunday eh.
Nung mga oras na 'yun, nakalagay ang cellphone ko sa kuwarto.Para walang distorbo. Tiningnan ko lang sandali, baka may magtext yung inaantay ko.
Nung tiningnan ko, bumugad agad sa akin ang text ng isang kaibigan na sinasabing "wala yung pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa sa SQE..".
Nagulat ako, nilabas na pala ang resulta.
Marami na akong natanggap na text na nilabas na nga talaga.
Badtrip ako, bakit kasi kung kailan walang pasok e saka ilalabas ang resulta. Nakakaasar. Nakakabuwisit. Magkakahalong emosyon ang nadadama ko ng mga sandaling iyon.
Nagtext ako sa kaibigan kong iyon. Di kasi ako makapaniwala na totoo ang sinasabi niya. Para ngang ewan yung tinext ko sa kanya eh. Wala na kasi akong maisip na itext eh.
Napaluha ako. Naisip ko, mababawasan na naman ako ng kaibigan. Wala na nga yung mga nakakasabay ko sa tren, nabawasan pa ang grupo. Badtrip talaga!
Hindi ko iniisip yung resulta ko. Ang inisip ko yung sa iba. Nagonline ako sa Facebook. Baka may good news naman.. Kaso, ang nakita ko dun.. mga kaklase na inuunahan na ang kapalaran na bagsak daw sila..
Di pa din ako nawalan ng FAITH sa kanya. Naniniwala ako na papasa ako. Naniniwala akong walang bumagsak sa PERVS.. Patuloy akong nagdasal..
Tinawagan ko ang isa pang kaklase.. Nasa School na daw yung mga kaklase ko para tingnan ang resulta ng buong klase..
Nagbakasakali akong ipatingin sa kaklase ko ang aking pangalan.. May tinext siya na pangalan daw ng pumasa.. sa text na yun nakalagay.. "Collado, Dela Cruz, Elizon"
Bumagsak ang mundo ko.. wala dun yung pangalan ko.. humagulgol na ako ng iyak kahit pa may kausap ako sa telepono..
Di ko na alam kung anong gagawin ko.. nagmumuka na akong TANGA kakaiyak. ayaw ko na. pero may nagsasabing wag akong sumuko. patuloy akong nanalig..
Biglang may nagtext sa akin.. "pasado ka Aleth"
Di na maipinta ang mukha ko sa sobrang tuwa nung nabasa ko yun.. hindi ako nanghinayang sa luha.. Mabuti na lamang at pumasa ako.. kung hindi.. di ko alam kung saan ako pupunta. nabalitaan ko din na walang natanggal sa aming grupo.
May pag-asa pang maayos. may pag-asa pang mabuo ulit.
Masaya. Malungkot. Salamat pa din sa kanya dahil nakapasa ako. To God be the glory! :)